Nagsalita na si dating Senate President Tito Sotto sa umano’y talent fee nila Vic Sotto at Joey de Leon. Nilinaw ni Tito Sen na ng utang umano ng TAPE Inc. kina Joey at Vic kung hindi raw siya nagkakamali ay nasa P30 million bawat isa.
Nagbabalak din daw na magpa-presscon si Vic, pero pinipigilan lang daw nila.
Ang paglilinaw ni Tito Sen ukol sa utang sa TF ay dahil umano sa naging pahayag ni Mayor Bullet Jalosjos, chief finance executive ng TAPE Inc., na wala umanong pagkakautang ang kompanya sa tatlong original hosts ng “Eat Bulaga.”
“Sabi niya wala raw utang ang TAPE kay Vic at kay Joey, hindi totoo ‘yun! malaki ang utang. They owe a big sum of money with Vic and Joey na parehong, ika nga eh, sa sweldo nila ‘yun at sa mga dapat nilang tanggapin. Malaki. If I’m not mistaken, P30 million each ang kakulangan. Meron pang mga iba, na mga kakulangan,” say ng dating senador.
Iginiit din niyang hindi nag-resign si Tony Tuviera, kundi pinag-resign.
Aniya pa sa interview, ang TAPE ay isang producer, sila ang nagproduce ng noontime show nu’ng 1981. Noong 1979 umano lumabas ang “Eat Bulaga” na prinoduce ng isang producer.
Nang maubusan na daw ito ng budget, saka pumasok ang TAPE at ito raw ay 1981 na, apat na taon pagkatapos na umeere na ang programa simula noong 1979.
At kung gugustuhin daw nilang ilipat sa ibang istasyon ang noontime show ay pupuwede dahil naka-copy right daw ito.
Aniya, si Joey daw ang nakaisip ng “Eat Bulaga” at ang theme song nito ay si Vic ang sumulat at kanila naman daw inokeyan kasama si Tuviera. Katunayan may mga kumakausap na nga raw sa kanila.
Naku, kailan kaya matatapos ang isyung ito “Eat Bulaga?”