Latest News

DONITA NOSE: TRABAHO LANG WALANG PERSONALAN

By: Beth Gelena

SI Donita Nose ay nasa ilalim na nang pangangalaga ng stage-actor-direktor na si Atty. Vince Tanada.

Nagtayo na kasi ng sariling agency ang stage actor -+ ang VTAM (Vince Tanada Artists Management) — kung saan ni-launch niya ito last September 14.

Nilinaw ni Direk Vince na sa filming lang daw niya talent si Donita.

Ibinalita rin niyang ipagpo-produce niya ang dating co-host ni Kuya Wil (Willie Revillame) sa programa nitong Wowowin.

Naniniwala ang stage actor na panahon na raw na mag-shine ang isang Donita Nose.

Sayang naman daw ang kapasidad ng comedian-TV host lalo na sa aktingan.

Sa pag-uusap daw nila ni Donita, “ang gusto niya kung gagawa siya ng pelikula ay siya ang magsusulat at ako ang magdidirek, which is okey naman sa akin.”

Puwede rin naman daw na si Tekla ang kanyang leading man.

Esplika ni Vince: “May chemistry ang dalawa. Kung matatandaan ninyo silang dalawa ang bumuhay noon sa mga tao. Napatatawa nila ang mga tao dahil sa kanilang pagba-vlog nu’ng kasagsagan ng pandemya.”

Sa tanong ng press people kay Donita, kung okey lang ba na si Tekla ang kanyang kapareha, aniya :
“Okey lang. Walang personalan, trabaho lang.”

Balita kasing may hidwaang namamagitan sa magkaibigan.

“HERO Z” NG VTAM TALENTS ITATANGHAL SA BUONG MUNDO

Anyway, back to VTAM may aabangan sa mga talent ni Direk Vince, ang musical play na “Hero Z.”

Patungkol ito sa pandemya na tampok ang mga magagaling na stage actor.

Mag-uumpisa ang kanilang play sa October 1 at magtatapos sa September 2024.

Say ni Direk Vince, lilibutin daw kasi ng Hero Z ang iba’t bahagi ng mundo kung saan may mga bansa na raw silang pagtatanghalan.

Tags:

You May Also Like

Most Read