NI WALLY PERALTA
HINDI lang isa kunndi dalawang Best Picture awards ang nakopo ng magaling na direktor na si Direk Louie Ignacio sa nakaraang Houston International Film Festival sa Texas, US, na ginanap noong April 20 to 24.
Pambihira ang pagkakataon na kapwa manalo ng best picture for drama and comedy category sa awards night ang mga lahok na pelikula tulad na lang ng kay Direk Louie kung saan ay sinabak niya sa filmfest ang dalawa sa kanyang obra maestra, ang “”Ang Huling Ulan sa Tag-araw” nina Ken Chan at Rita Daniela na nanalo bilang best picture in romantic comedy category, at ang pelikulang “Broken Blooms” naman nina Jeric Gonzales at Theresa Malvar na hindi pa naipapalabas sa bansa ay nasungkit naman ang best picture awards for drama category.
Bukod sa awards, nagpataba rin ng puso ang mga palakpakan at papuring binigay kay Direk Louie sa mga nanood ng kanyang mga pelikula sa naturang international filmfest.
“And the applause that comes after the screenings, I finally heard it again. It was so touching! Participating in festivals abroad is still something else.
“The audience there doesn’t know the actors of the film they’re watching, but they show appreciation through film language. Face-to-face exhibitions are more exciting because you get to experience firsthand how they show their support. The trip was fun even though we had to travel quite far,” pahayag ni Direk Louie.
Personal na tinanggap ni Direk Louie ang kanyang mga napanalunan awards.
Sinadya talaga ni direk na lumipad patungong Houston, Texas para sa naturang event.
“Mr. J. Hunter Todd, founder and festival director, personally handed the awards for both films to me,” kuwento ni ni direk.














