Latest News

Direk Joel talunan sa board ng MTRCB

NI GERRY OCAMPO

ANG MMFF entry movie ni Direk Joel Lamangan ay nabigyan ng Movie and Television Reviews and Classification Board (MTRCB) ng R-18 ratings.

Kaya hindi ito mapapanood sa lahat ng SM Cinemas na matagal nang patakaran ng SM Group.


Natural lang malungkot ang buong production team, lalo na ng producer dahil malaking bagay talaga ang SM Cinemas nationwide sa magiging gross ng pelikula.

Inilaban ni Direk Joel Lamangan na maging R-16 ang rating ng kanyang entry movie sa MMFF.


“Sa MTRCB nang pinanood nila ang tingin nila ay napakaganda ng pelikula pero napakadelikado ng tema,” pahayag ni direk Joel. “Napakadelikado ng tema, nagpakita ako ng love scenes ng bakla, delikado raw ang tema. Sa kanilang persepsyon, `yon ang pang adult. Sa persepsyon ko, yun ay pang-hindi gaanong adult, R-16.

“Siyempre, inilaban ko. Nagtalaktakan kaming lahat, Sa kahuli-hulihan, siyempre, talo ako. Sila ang nanalo. Umuwi akong talo,” say ni direk


Hindi nakalusot si Direk sa kanyang pagpapaliwanag kaya tinanggap na lang niya siyempre ang desisyon ang MTRCB at naintindihan naman daw niya ang stand ng board.

Tinanggap nang maluwag ng mabait na producer na si Len Carillo ang naging desisyon ng MTRCB at bilang respeto na rin niya sa Board ng Censors.

Tags: Direk Joel Lamangan

You May Also Like

Most Read