Latest News

DIREK DYOGI NAG-REACT NA DIN SA INTERVIEW NI LIZA

Ni BETH GELENA

SA interbyu kay Liza Soberano ni Tito Boy Abunda , sinabi niyang wala siyang balak mag-artista.

Pero may nilabas ang Kowalerts IG account, sinabi niya noon na: “Bata pa lang ako, gusto ko nang maging aktres”


Sinabi umano ito ni Liza noong nag-audition ito na agad kumakalat sa social media.

Ayon kay Liza, maliit pa lang daw siya ay mahilig na siyang mag-artista o kaya ay maging isang modelo, na taliwas sa sinabi niya sa interbyu ni Tito Boy.

Giit niya sa interview na hindi raw niya dream na maging aktres.

Aniya: “Hindi ko pinangarap maging artista that they assume na gusto ko maging artista ever since when i was a kid. Which is not true.”


Esplika pa niya: “I had to be an artista para mapaaral ko ang sarili ko, para mapaaral ko ang kapatid ko, para mabuhay ko ‘yung family ko.”

Komento tuloy ng netizens, paiba-iba raw talaga ang mga sinasabi ni Liza.

Hindi raw ito consistent sa kanyang mga pahayag.

At dahil sa issue, nagbigay ng opinyon si Direk Lauren Dyogi tungkol kay Liza.


Na-interview ng Kapamilya Online World si direk Dyogi kung saan sinagot niya ang queries concerning Liza.

Ayon sa ABS-CBN director, Liza might be going through a phase called “quarter life questioning.”

Sa old statement ng aktres na “bata pa lang ako, gusto ko nang maging aktres,” sinabi ng direktor na: “Liza’s lucky enough to have opportunities presented to her na hindi nape-present sa karamihan na nangangarap na mapabuti ang buhay ng kanilang pamilya at ng sarili nila.”

Dagdag pa ni Direk Dyogi : “Remember, she’s still in her first quarter of her 100 years of life (25 years old), ‘di ba?

Siguro, nagku-quarter life questioning siya. Nangyayari naman sa atin ‘yun eh.”

“So, we allow her to explore and aspire for something better for herself. If that meant moving on to somewhere else, moving on to different territory, you know, let’s just wish her well.”

Ganyan kamahal ng mga taga-ABS-CBN si Liza.
Kahit may mga negatibo siyang sinasabi sa dati niyang home studio, ang kanyang ikabubuti pa rin ang iniisip ng mga taga-Kapamilya.

Tags: Liza Soberano

You May Also Like

Most Read