NI BETH GELENA
MAG-IISANG taon na rin namang naninirahan si Bela Padilla sa London, kaya at home na rin daw siya roon.
Nakuhanan ng pahayag ang actress-director sa special screening ng first directorial job niya na “366” kung saan siya rin ang leading lady kapareha sina JC Santos at Zanjoe Marudo.
“Kasi, magwa-one year na rin po, e. Medyo naka-adjust na po, saka may friends na rin ako doon.
“Medyo madali na po akong naka-adjust sa culture nila. Yung daddy ko po kasi, British. Saka yung mga ate ko po, nakatira dun,” kuwento ni Bela.
Nasa bansa ngayon ang aktres para sa promotion ng kanyang pelikula.
Pinuri ng mga nakapanood sa first screening ng “366” ang dinirek ni Bela lalo ang dalawa niyang actor-leading men na sina JC at Zanjoe.
May nagsasabing mas nakaka-angat umano ang rile ni Zanjoe sa “366.”
“If it’s a JC performance or a Zanjoe performance, I’ll be very happy. Ahhm, I also think I… parang even on set naman, minsan talaga pinapanood ko lang silang dalawa… So, if the take away from the film is that it’s a JC or a Zanjoe film, I’ll be very happy. That means I did my job well.
“Lalo na si JC, kahit konti yung scenes niya, sobrang markado, di ba? Ginalingan niya talaga kahit nung nagmumulto na lang siya. Nagpapatak pa rin siya ng mga apat na luha.
“Si Zanjoe, ganundin, nanonood na lang ako dun sa ibang scenes namin. Kasi, he really performed.
“So, if the take away from the film is that it’s a JC or a Zanjoe film, I’ll be very happy. That means I did my job well,” paliwanag ni Direk Bela.
Maliban sa pagiging scriptwriter, direktor, at lead actress ng “366,” co-producer din ba siya sa movie?
Napailing si Bela: “Hindi na kaya.”