Latest News

DINGDONG HOST NG BALIK-KAPUSONG ‘FAMILY FEUD’

NI GERRY OCAMPO

SA dinami-dami ng suggested at requested na pangalan ng Kapuso fans para maging host ng nagbabalik na “Family Feud” sa GMA, si Dingdong Dantes ang napili ng Kapuso Network na muling mag-host ng popular game show.

Matatandaan na si Dingdong ang host ng “Family Feud” noong unang umere ito sa Kapuso Network.


Kaya dapat lang na siya uli ang mag-host sa paggaalik sa TV ng natirang game show.

Kung walang magiging aberya, sa March 21 na ang pilot ng show at papalit sa “Dapat Alam Mo” na ibabalik sa GTV.

Sa mga hindi nakakaalam,matapos ang kontrata sa GMA 7 ng “Family Feud” ay lumipat ito sa ABS CBN. Pero ngayon, balik- Kapuso na ito.

Request ng Kapuso fans na sana raw ay maging contestant din sa “Family Feud” si Marian Rivera para mas maging masaya ang pilot airing ng game show.


Tags:

You May Also Like

Most Read