DEREK TINAWAG NA ‘POP STAR’ SI ELLEN ADARNA

NI BETH GELENA

PASSION ni Ellen Adarna ang mag-play ng piano kaya kapag may time siya ay uupo sa harap ng piano at kahit hindi singer ay bibirahan ng kanta habang sinasabayan ng pagpa-piano.

Sa IG ni Ellen ay nagkomento ang mister niyang si Derek Ramsay ng “My pop star” na ni-reply-an naman ni Ellen ng simpleng emojis ang mister.


Sa posted video ni Ellen while playing piano, kinakanta niya ang 90s song na “Say What You Want” ng Texas.

Kamakailan naman, shinare ni Ellen ang photos nila ng anak na si Elias Modesto kung saan binisita nila ang Malagos Chocolate Museum sa Davao.

Aside sa pagpapakain ng mga ibon, sumakay din ang celebrity mom and son sa kalesa.

Tuwang-tuwa namana ang netizens sa happy bonding ng mag-ina.


Tags: Ellen Adarna

You May Also Like

Most Read