Latest News

DEBBIE GARCIA TATLONG KASO ANG ISINAMPA KAY BARBIE IMPERIAL

NI BETH GELENA

TATLONG kaso ang isinampa ni Debbie Garcia against Barbie Imperial.

Ang mga ito ay “slight physical injury,” “grave oral defamation” at “grave slander by deed.”

Hanggang saan kaya aabot ang away ng dalawang ito na umano ang puno’t dulo ay ang ex-BF ni Barbie na si Diego Loyzaga.

Umano;y sinugod ni Barbie ang Vivamax star sa isang party.

Wala pa namang binibigay na panayam mula sa kampo ni Barbie hanggang ngayon.

Maging ang actor na si Diego, tikom ang bibig sa “awayan” ng dalawang female celebs.

Ayon sa netizens, si Barbie ang dehado sa awayan nila ng starlet.

Dapat daw, inisip muna niyang mabuti ang kanyang ginawa.

May name ña daw siya sa showbiz si Barbie, samantalang si DG ay nagpapakilala pa lang.

“I can smell hiatus,” say ng isang netizen.

“Kamote ni barbie di naman sila magka level nung debbie di ko nga kilala yan. Wahahah! Thanks to her nakilala ko tuloy”

Ayon sa tsika, nag-dirty finger pa raw ang aktres kay DG.

May point naman ang isang commenter: “There are 2 sides. Di natin alam if ano ginawa kay Barbie para mag warla ng ganyan. Medyo madami din nakakabangga yan Debbie kaya wait muna ako sa statement ng isa.”

May nag-aakala namang ang Debbie na binabanggit ay may koneksiyon kina Nadine Lustre at James Reid.

“c D ba ung dating kabarkada nila Nadz?”

“Ibang Debbie yun, englisera yun at coño na bata”

“Di kabarkada ni Nadine yan, ex gf yan ni James”

Back to James, na-link nga ang dalawa sa isa’t isa.

Last 2015, may article na lumalabas tungkol sa kanila kung saan she’s known pa bilang Debs Garcia.

Nasama na siya sa project na “Pantaxa” at napost din sa FHM magazine noong 2014.

Ang official IG account ni DG ay @debsgarcia at sa Twitter naman ay @itsdebbiegarcia.

Naniniwala noon ang netizens na may relasyon sina James at Debbie, pero ayon naman kanya, magkaibigan lang sila ng Fil-Am actor.

Tags: ,

You May Also Like

Most Read