Latest News

David Licauco nabuking na may GF na Kapamilya actress

NI GERRY OCAMPO

SA Fast Talk with Boy Abunda ay hindi na nakapag-deny ang sumisikat na young actor na si David Licauco tungkol sa pagkakaroon nito ng girlfriend.

Marami ang naaliw sa reaction ni David habang ginigisa ni Kuya Boy sa kanyang lovelife.

Si David at ang ka-loveteam niyang si Barbie Forteza ang guest sa show ni Kuya Boy last Monday.

Knowing Kuya Boy, walang maitatago ang mga celebrity pagdating sa kanilang mga lovelife. Gaya nang kung sino ang non-showbiz ex-girlfriend ng actor na hindi nito ini-reveal in the past,

Tinanong ni Kuya Boy si David kung single pa ito at kaagad na sagot ng aktor ay: “Yes, I’m single.”

Pero kinontra agad ito ni Kuya Boy: “Hindi, hindi naman ako naniniwala, nagkabalikan kayo, eh.”

Pero itinanggi ito ng aktor: “Hindi, hindi kami nagkabalikan.”

Sabi ni Kuya Boy, hindi niya sasabihin ang pangalan ng aktres dahil private person na kung saan ikinagulat ni David dahil kilala ng KIng of Talk

Sabi pa ni Kuya Boy: “ I know you’re separated, Naghiwalay kayong dalawa and then ang alam ko, there was another guy involved na kilala nating dalawa. Was that the reason. David, why you got back?”

Hindi na nakasagot ni David at hindi na alam ang sasabihin.

Kaaliw ang reaction ni Barbie, habang tinitingnan niya rin ang reaction ng ka-loveteam.

“Yeah, I would say that was the reason behind the breakup. I mean, among other things, ayun yung pinaka-main reason.”pag-amin ni David.

Pagbubulgar pa ni Kuya Boy, very pretty and smart daw ang girl at gusto raw nito mag-settle down pero dahil hindi pa handa si David.

“Yeah, I`m not ready, “ mistulang nahihiyang pag-amin ni David. “Cause go-getter kasi ako and mas gusto ko yung career muna, and siya kasi, nasa stage na siya ng…”

At nakangiti niyang dugtong: “Hindi ko gets, bakit alam n`yo. Bakit? Parang wala naman akong sinabihan.”

Pati tuloy si Barbie, natawa habang ginigisa ni Kuya Boy si David.

Tanong ulit ng TV host: “Nagkabalikan ba kayo?”

Pag-amin naman ng aktor, “Nagbakalikan kami pero nag-decide kami na maghiiwalay na.”

Hindi na rin nagpapasinungaling si David nang aminin na nagselos siya sa isang aktor.

Dito na tinigil ni Kuya Boy ang paggisa kay David pero binanggit niya na noong nasa ABS-CBN pa ang actor ay tahimik din ito tungkol sa kanyang Kapamilya girlfriend.

“If you want me to name names, I’ll name names,” say ni Kuya Boy.

Nakangiting sabi naman ni Barbie: “Parang wala po siyang gusto sa mga nangyayari ngayon, Tito Boy,”

In fairness kay David, very sport naman siya kahit na nabigla sa mga naging tanong sa kanya ng King of Talk.

Tags:

You May Also Like

Most Read