Latest News

Dating beauty queen binansagang ‘politician hunter’

NI BETH GELENA

MAY bagong tawag ngayon ang netizens sa former beauty queen na si Bianca Manalo.

Usap-usapan kasi sa social media na isa umano siyang “politician hunter” dahil sa mga naging relasyon niya sa mga prominenteng politiko kabilang na sina Antique Mayor Jonathan Tan at Senator Sherwin Gatchalian.

Marami tuloy ang nagkukuwestiyon kung ano ba ang “motibo” ng dating beauty queen-actress dahil dalawang sunod na politiko ang nali-link sa kanya.

Unang nakilala sa publiko si Manalo noong 2009 matapos makoronahan bilang Binibining Pilipinas Universe at kumatawan sa Pilipinas sa Miss Universe pageant.

Pagkatapos nito ay pinasok na niya ang mundo ng showbiz at nagkaroon ng iba’t ibang TV shows.

Pero na-overshadow ito dahil mas tumatak sa publiko ang mga naging ka-relasyon niyang mga sikat na politiko.

Matatandaang lumabas lamang ang kanyang relasyon kay Mayor Tan matapos silang ma-involve sa isang boat accident kasama ang aktres na si Ehra Madrigal.

Pinagpiyestahan ito sa media at mga espekulasyon tungkol sa kanyang relasyon sa mayor.

Matapos maghiwalay sina Bianca at Mayor Tan, lumabas naman sa social media noong 2019 ang ilang photos ng beauty queen kasama si Senator Win Gatchalian habang nagsa-shopping sa Hongkong.

Kaya naman napag-usapan ulit ng bonggang-bongga ang lovelife aktres at ang kanyang koneksyon sa mundo ng pulitika.

Ang espekulasyon tungkol sa relasyon nina Bianca at Senador Gatchalian ay patuloy na pinag-usapan ng publiko at noong Nobyembre ng taong iyon, ay sinabing nag-celebrate sila ng kanilang unang anibersaryo.

Kaya naman na-label agad si Bianca na “politician hunter.”

Naku, ano kaya ang masasabi rito ng former beauty queen?

Tags:

You May Also Like

Most Read