NI BETH GELENA
BINISITA ni Darla Sauler si Kris Aquino at ang dalawang anak nito na sina Joshua at Bimby sa Amerika.
Masayang binahagi niya ni Darla sa kanyang Instagram ang mga larawang kuha nila kasama ang mag-iina.
Sa kanyang post, sinabi ni Darla na masaya siya na nakabisita siya sa mag-iina sa US.
Aniya, patuloy niyang pinagdadasal si Kris para sa tuluyan nitong paggaling sa kanyang karamdaman.
Marami naman ang natuwang netizens nang makita nila ang Queen of All Media na masaya.at maaliwalas ang mukha.
“You always make time for family. Happy to visit and catch up with you and the kids while you’re in the US, Krisy. Continuously praying for your well-being. Love, love, love you, Bimb and Kuya always, @krisaquino,” ani Darla.
Si Darla ay matagal.na kasama ni Kris sa bawat niyang programa noon sa ABS-CBN.
Kahit saan man magpunta noon ang TV host-aktres, abroad man o hindi ay lagi niyang kasama si Darla.
Komento ng netizens: “Aww Nakakahappy naman makita si Ms.Kris na maayos na ulit.”
“Wow, medjo nag gain xa ng weight Get well soon Ms. @krisaquino.”
Marami pa rin ang naghihintay na makabalik sa hosting ang Queen of All Media.
“Waiting to see you back on screen doing what you love and do best. God bless you!”
Kamakailan lang, nag-post si Kris para alalahanin ang amang si Ninoy Aquino sa 90th birthday nito.
Aniya, ang kanyang ama ay isang politiko para sa ibang tao, ngunit para sa kanya ay isa itong ama na tinatawag siyang “beautiful.”
Isa kami sa dumadalangin na gumaling na si Kris sa nararamdaman niyang sakit.