NI BETH GELENA
ALL praises si Angel Locsin kay Daniel Padilla dahil may sariling paninindigan ang aktor.
Sumama si DJ sa campaign sortie kung saan sumuporta siya sa painting mural para sa aspiring president Bise Presidente Leni Robredo.
Hanga daw si Angel Locsin sa tibay ng loob ng aktor.
Sinabi ni Angel sa kanyang post: “I have so much respect & admiration for this guy. Tunay na idol na may malasakit. Hindi makasarili. Hindi pera-pera lang. Salamat sa pagtindig DJ!”
Nagtalu-talo na tuloy ang netizens sa meaning ng “hindi pera pera?”
“Umay much na kayo,” sabi naman ng isang hindi kakampink.
“So pag sa iba sumusuporta, pera pera lang? Kaya kulelat kayo sa survey eh. Feeling nyo kayo lang marunong pumili ng iboboto.”
“Proud kayo sa False asia survey? Hhahaah”
“Yan na naman kayo sa FALSE ASIA narrative niyo yet just last month kayo rin yung tuwang-tuwa na medyo umangat nanay niyo on the said survey! Bunch of ??????”
“2nd place is not kulelat. May fighting chance dahil sa sipag ng volunteers :)”
“Totoo naman eh, its either bayad sila or shunga for free. kung marunong kayong bumoto, ang unang titingnan niyo ay track record hindi apelyido. lets be real here”
“mga self righteous, umunlad ba ang Pinas ng naging yellow behind pink now. ayoko sa number 2.”
“Hindi ‘pera-pera lang’ kasi ‘franchise-franchise lang’ ??”
“Yung pagpaatras ni VP Leni sa ibang pres. candidates,hindi ba matatawag na makasarili yun? :)”
“Hindi. It is an act to consolidate to defeat a common enemy. Ang makasarili yung kahapon. Ayaw magwithdraw kasi mawawala campaign fund na pwede ibulsa. Sila yung ayaw daw manalo yung isa pera ayaw magwithdraw kasi di nila maatim na kaya sila talunin ng babae.”
“This. The funny thing is that yung mga 2nd placer pababa, nagaaway-away na ngaun…”
“True. Ang selfish lang. I’d rather vote for the other presidential candidates than lutang na lugaw.”
Hahahaha… Dahil sa post ni Angel na “pera pera,” nag-aaway na ang dalawang kampo ng presidentiables.