Latest News

Dahil sa ‘Prima Donnas 2’… SHERYL NAG-MEMORY LANE SA LOVETEAMS NG ‘THAT’S ENTERTAINMENT’

NI WALLY PERALTA

HAPPY si Sheryl Cruz sa pagkakataon na binigay sa kanya na mapasama sa highest rating afternoon serye ng GMA7 na “Prima Donnas 2.”

Enjoy daw si Sheryl kasama ang teen stars na may kanya-kanyang loveteam.


Sila ay sina Sofia Pablo at Allen Ansay, Althea Ablan at Bruce Roeland, at ang love triangle naman nina Jillian Ward, Will Ashley at Bruce Crisostomo.

Nagbalik-alaala tuloy kay Sheryl ang “That’s Entertainment” days niya kung saan may kanya-kanya rin silang loveteam — Tina Paner at Cris Villanueva, Lotlot de Leon at Ramon Christopher, Manilyn Reynes at Janno Gibbs, at marami pang iba.

“Naku, lahat sila, nakakatuwa. It brings back memories of my own teen years. May kanya-kanya na rin silang loyal fans who watch them on Tiktok and their other social media accounts. Bawat loveteam naman, may kanya-kanya silang katangian why their fans support them.

“I remember our fans then rooting for us tuwing may show kami. Bawat love team may sariling group of fans at kung minsan nag-aaway pa yung iba,” natatawang kuwento ng aktres.


Ano ang kaibahan ng fans nila noon sa fans ng bagong henerasyon na loveteams ngayon?

“Ngayon kasi, they follow their favorite stars na lang on youtube or on Instagram or Facebook. Lalo na nang nagka-pandemic, bawal na ang face-to-face contact kaya bawal ang fans day at magpa-selfie.

“You can just communicate with your idols online sa sariling accounts nila. Even the fans based abroad can say hello to you and send you their messages,” sagot ni Sheryl.


Tags:

You May Also Like

Most Read