Dahil sa karag-karag na motosiklo: SEAN DE GUZMAN NABULYAWAN NI DIREK JOEL LAMANGAN

NI WALLY PERALTA

KAHIT may temang kaseksihan ang bagong movie na ginawa ni Sean de Guzman na “Island of Desire” kasama ang kapwa nya Vivamax studs na si Rash Flores at si Christine Bermas, proud ang young sexy actor sa movie under Direk Joel Lamangan.


“It’s not just the usual sexy movie because the story is really different this time. Istorya ito ng isang nurse na napadpad sa island na ginampanan ni Christine at ang kultong naenkuwentro niya kung saan ay naging member ang kanyang kapatid na babae,” kuwento ni Sean.

Masasabing sanay na sanay na si Sean sa mga sexy and daring scenes, hubad kung hubad kaya walang problema ang mga nagiging direktor niya.

Pero may isang eksenang ginawa ni Sean sa “Island of Desire” kung saan nakatikim siyang mabulyawan ng magaling na direktor.


“Sa totoo lang, at this point na ang dami ko nang nagawang bed scenes na iba-iba ang kapareha ko, hindi na ako sa ganoong hirap mga eksena ng hubaran. Sa ‘Island of Desire’, bilang driver ng motorsiklo, ang pinakamahirap na pinagawa sa akin ay i-drive yung motor na luma ang pinagagamit sa akin.

“Dahil luma na nga, kung minsan, ayaw umandar, antagal bago mag-start, kaya ako ang napapagalitan ni Direk Joel kahit yung motor ang may kasalanan,” natatawang kuwento ni Sean.


Tags: Sean de Guzman

You May Also Like