Latest News

DAHIL NAG-POSITIBO SA COVID SI LUIS MANZANO, SOBRANG NAMI-MISS SI PEANUT

By: Beth Gelena

FIRST time na nag-positive sa COVID-19 si Luis Manzano kaya naman alalang-alala ang misis niyang si Jessy Mendiola at ang inang si Ate Vi (Vilma Santos-Recto).

Si Luis ang mismong nagpost sa kanyang Instagram na nag-positive siya COVID-19 for the first time since 2020.

At dahil first time nalayo sa anak, panay ang post ni Luis ng photos ng anak, halatang sobrang nami-miss na nito ang anak na super cute naman kasi.

Pero may paalala ng TV-host sa netizens at mga kaibigan: “Stay safe everyone! Tumataas na naman cases! First-time tamaan since the start of the pandemic.”

Maraming celebrities ang nagdarasal sa maaga niyang paggaling.

“Praying for you and the family. Praying it is mild,” ani dating Senador Kiko Pangilinan.

“Pagaling ka! Kaya mo yan batang mabait,” mensahe naman sa aktres na si Sylvia Sanchez.

“God bless you and keep you and your family safe. You will recover super fast, in the name of Jesus,” say naman ni Vanessa Matsunaga.

“We love you, papa! You will recover quickly for sure,” pahayag ng misis niyang si Jessy.

“Love you anak,” say ng kanyang mommy na si Ate Vi.

Tags:

You May Also Like

Most Read