CONFIRMED: PIA AT JEREMY ENGAGED NA!

NI BETH GELENA

MAY uploaded video sa kani-kanilang Instagram account sina Pia Wurtzbach at Jeremy Jauncey.

Masaya ang celebrity couple na tila may sineselebreyt na napakaimportanteng okasyon.


Ini-screenshot ni Pia ang ilang larawan sa video clip kung saan ang laging highlight ay ang napakalaking bato sa singsing na suot ng Miss Umiverse 2015.

Walang pag-amin kung engage na ang dalawa.


Pero iisa ang caption ni Pia sa mga uploaded photos.

Aniya: “We found the perfect to celebrate and tell you guys…”


Nasa Amanpulo, Palawan resort sina Pia at Jauncey and super- happy ang dalawa habang ipinagmamalaki ni Pia ang singsing na suot.

A few days ago, napapabalita na Nga na engaged ang dalawa, pero walang pag-amin mula sa former beauty queen.

Katunayan, ang tinatago niyang ring finger ay napansin na ng netizens.

At nito ngang Friday sa IG account ng dalawa, sinelebrate nila ang kanilang engagement day.

Sabi nga ni Jeremy: “Sunsets in the Philippines are better than anywhere else in the world. Especially at Amanpulo when you have something to celebrate.”

Reaksyon ng netizens: “Congrats! Match tlga sila noh. Love love love.”

“Nsan na yung mga nagsasabing promo noon? Ano kayu ngayon? Anyways congrats Queen P and Papa J!”

Katuwa naman ang komento ng isang netizen: “Pang ms universe ang bato!”

“Ang saya lang. Perfect match!!”

Sey naman isa pa: “Humayo kayo at magparami.”

Sayang daw kasi ang lahi nina Pia at Jeremy, pareho raw silang gwapo at gwapa.

And guess kung sino ang agad na tinawagan ni Pia via video call para ipaalam na engaged na sila ng two years boyfriend na si Jeremy?

Ang kanyang manager na si Jonas Gaffud of Empire.ph.

“So, I just cried. Congratulations, Pia and Jeremy!” ang tanging nasambit ni Jonas.

Ngayong kinumpirma na nila ang kanilang engagement, maraming celebrities ang bumati sa former beauty queen.

Wala pang detalye kung kelan ang kanilang wedding dayndahil sa ngayon ay ine-enjoy muna ni Pia na ang pagtitig sa kanyang napaka-eleganteng singsing.

Tags: Pia Wurtzbach at Jeremy Jauncey

You May Also Like

Most Read