Latest News

CONCERT NI ALANIS MORISSETTE TULOY SA AGOSTO

NI BETH GELENA

TULOY na ang concert ni Alanis Morissette sa Manila sa August.

Sa anunsyo ng concert organizer Ovation Productions, ang “Alanis’ special Jagged Little Pill” anniversary concert ay magaganap na sa August 1 sa SM Mall of Asia Arena.

Ang original schedule ng concert ni Alanis ay dapat noon pang April 2020, pero na re-schedule ng tatlong beses dahil sa COVID-19 pandemic.

Ayon pa sa Ovation Productions, ang tickets na nabili noong 2020 ay hindi na puwedeng i-honor.

Dapat daw ay i-refund ng mga nakabili ng tiket noong 2020 at bumili ng panibago.

Magsisimula silang magbenta ng tiket sa March 29 sa smtickets.com.

1996 noong huling nag-concert si Alanis sa bansa.

Tags:

You May Also Like

Most Read