NI BETH GELENA
HINDI napaamin ni Karen Davila si Coco Martin tungkol sa love life ng aktor.
Nakapanayam ni Karen si Coco at syempre natanong niya ang lead actor at director ng “FPJ’s Batang Quiapo.”
Matipid ang sagot ni Coco, na aniya hindi siya masyadong nagbabahagi ng detalye tingkol sa kanyang buhay pag-ibig.
Pero hindi nito ipinagkaila na mayroon siyang girlfriend.
Say ni Coco, gusto niyang panatilihing pribado ang kanyang personal na buhay para iwas na rin daw sa gulo.
Magulo na nga raw sa ginagalawan niyang mundo kaya nararapat lang na huwag nang ibahagi ang tungkol sa kanyang personal na buhay.
Anytime naman daw, handa na siyang magkaroon ng pamilya at magkaanak.














