Coco, Julia sobrang pinasalamatan si Susan Roces

NI GERRY OCAMPO

MARARAMDAMAN ang pagdadalamhati nina Coco Martin at Julia Montes sa pagpanaw ng Queen of Philippine Movies na si Susan Roces.


Matagal nang nakasama nina Coco at Julia si Manay Susan, lalo na ang actor na seven years nakasama sa “FPJ`s Ang Probinsiyano” bilang si Lola Flora.

Sa kani-kanilang Instagram account ay marami ang na-touch sa pag-alala at pagpupugay na ibinigay nina Coco at Julia para sa ating Queen of Philippine Movies.

Marami ang naiyak sa post ni Julia na kung saan ipinakita niya ang handwritten letters sa kanya ni Manang Inday.


Labis-labis ang pasasalamat niya sa yumaong veteran actress sa mga itinuro sa kanya.

Last May 20 pumanaw ang Queen of Philippine Movies at ibinurol sa The Heritage Park sa Taguig.


Inihatid sa kanyang libingan si Manang Inday sa North Cemetery noong May 26, sa tabi ng libingan ni Da King Fernando Poe Jr.

 


Tags: Coco Martin at Julia Montes

You May Also Like