COCO HINIHIRITAN NG ACTION MOVIE

NI BETH GELENA

LAST August 20 ay birthday ng late King of the Philippine Movies na si Fernando Poe Jr. at nagbigay-pugay si Coco Martin and Julia Montes sa Da King.


Binisita nila puntod ni FPJ at ng Reyna ng Pelikulang Pilipino, Susan Roces ang rumored couple.

Si Manay Susan ay matagal na nakatrabaho ni Coco sa FPJ’s Ang Probinsyano.

Magmula sa umpisa ang aksyon serye ay kasama na ng aktor si Susan hanggang sa binawian ito ng buhay ilang buwan lang ang nakalilipas.


Sa Instagram post ni Coco, pinagsindi niya ng kandila sa mismong puntod ng mag-asawa ay pinasasalamatan sa mga kabutihang nagawa nila sa industriya.

“Maraming maraming salamat po FPJ at Lola Susan! Mahal na mahal ko po kayo!” ang caption ni Coco.


Sa loob ng pitong taon na namayagpag sa ere ang iconic teleseryeng Ang Probinsyano, hindi nagbago ang ratings nito at walang nakapagpatumba ng kahit anong programa.

Tinagurian na ring action king ng TV ang actor dahil after FPJ ay wala nang pumalit sa tinamong kasikatan nito sa pag-aaksyon.


Ayon nga sa Kantar Media: “Ang Probinsyano” was the Philippines’ undisputed No. 1 TV program for five years until mid-2020, when ABS-CBN was forced off free television.”

Nang mag-migrate sa digital platforms after na ma-shutdown ang network ay nanatili pa ring wide viewership.ang aksyon serye

May nagre-request naman ngayon na netizen sana raw ay gumawa naman ng aksyon si Coco na pang movie.



Marami raw aksyon movie si Da King na pwedeng-pwedeng iremake ni Coco.

Hmmm… Magandang idea nga naman.

What do you think, Eric John Salut?

Tags: Coco Martin and Julia Montes

You May Also Like

Most Read