NI GERRY OCAMPO
Si Claudine Barretto ang guest ni Gladys Reyes sa kanyang programang “Moments” na napapanood sa Net25.
Napag-usapan ng dalawa ang tungkol sa kanilang nagampanan roles sa TV at movie at kung ano ang pinaka-challenging role.
Ayon kay Claudine ang pagiging nanay sa kanyang mga anak ang pinaka-challenging role.
“Ang pinaka-challenging role talaga ay ang pagiging mommy, yung walang talent fee, walang day-off, walang award, pero ang masasabi ko talaga sa lahat ng mga nanay, ito ang pinaka-challenging at pinaka-fulfilling and I guess sa ating mga artista, greatest award natin ang mga anak natin,” paliwanag ni Claudine
Umayon naman si Gladys dito at sinabi: “Oo, tama naman, kahit na walang premyo ‘to. Iba pa rin ang pagsasakripisyo.”
Teenager na ang dalawang anak ni Claudine na sina Sab, 18; at Santino, 15.
Iba ang pamamaraan niya ng pagpapalaki sa mga anak kumpara kung paano siya pinalaki ng kanyang Mommy Inday Barretto.
“Mas lenient ako. Iba yung mga teenagers ngayon at saka yung adults, hindi sila relationship-oriented, mas career and goal oriented sila, So mas madali para sa atin.
“Sila ngayon, iba. Si Sabina, mas smart, mas intelligent, witty, ganyan. Hindi ako worried sa part na `yun pero nandoon yung worry ko dahil may boyfriend siya kaya strict ako sa kanya kapag lumalabas.
“Si Saint (Santino), walang yaya ‘pag lumalabas, walang security, pinapayagan ko na. Pero si Sabina, nandoon pa rin yung yaya niya, 20 years na yung yaya niya kaya hanggang ngayon, sumasama pa rin si Yaya Ging sa kanya kahit saan magpunta,” say ni Claudine.
Tanong sa kanya ni Gladys: “Paano ang parenting style mo, Mare? Cool ba yun o medyo strict?”
“Strict and cool. Very cool ako ‘pag gusto nilang lumabas. Ang akin lang, nandoon lang si Yaya Ging `pag lalabas si Sabina. And puwede silang lumapit sa akin about anything, they can talk to me about anything. Yung ang difference ng parenting style ko kaysa sa magulang ko, hindi ako open sa kanila. Hindi dahil istrikto sila, hindi lang ako komportable.
“And yung ang nakikita ko sa mga anak ko na sobra silang komportableng magkuwento about their life, relationship, dreams, problems. Sinisiguro ko rin na nandoon ako para sa kanila at anytime puwede nila akong kausapin,” paliwanag ni Claudine.
Sa dalawang mas maliiit na anak pa si Claudine, iba naman ang style niya dahil mas gusto raw na naglalaro at nagkukuwentuhan lang sila.
“Iba talaga kasi sina Noah at Quia, nagmi-milk pa. Si Noah, naka-diaper pa. So, mas hands-on ako sa dalawang kids kaysa kina Sab at Saint because I was working ,” katuwiran ni Claudine.
Naikuwento rin niya kay Gladys na iniiyakan niya ang project kapag hindi niya ito tinatanggap dahil mas kailangan siya ng kanyang dalawang batang anak.
“Kasi passion ko ang acting. Pero kung alam mong may responsibilidad ka buong buhay mo mula nang lumabas sila sa mundong ito hanggang last breath mo, alam mong ito na ang buhay mo.
“We only had one shot being a parent and I didn`t want to fail., Kung nag-fail ako as a wife, ayokong mag-fail as a mother.” paliwanag ni Claudine.”