Latest News

Chiz pinayuhan si Heart huwag na idemanda ang basher

Ni Gerry Ocampo

SA latest vlog ni Heart Evangelista kasama ang mister na si Sorsogon Governor Chiz Escudero, pinagtapat ng actress na muntik na niyang ipakulong ang bashers na nagbantang papatay sa kanya.

Napag-usapan nilang mag-asawa ang tungkol sa batas kung saan tinanong niya ang mister ng topics na may kinalaman sa batas.

Tanong ni Heart: “Can I take legal action against someone making threats online?”

Sagot naman ng mister niya, puwede namang magsampa ng grave threat at saka pa lang umamin si Heart na talagang muntik na niyang gawin ito.

Katunayan, pinaimbestigahan na raw niya ito sa National Bureau of Investigation (NBI)

“I was really looking at this one account. It was too much and at that time, mahina-hina pa ang loob ko. So bothered na bothered ako.

“So, dumating na ako sa NBI level and na-reveal yung gumagawa ng account. But then, it was still up to me if I wanted to pursue and actually reveal the people behind it. Pati yung location, kung saan sila, ganyan. “ kuwento ni Heart.

Pero nakumbinse raw siya ng kanyang asawa na huwag nang magdemanda.

“Okey, sobrang sama nila, but do I really want them to go to jail because of me?” say pa ni Heart.

Inamin ni Heart na nagulat siya nang malaman kung sino ang gumagawa ng mga death threats sa kanya.

Kung ilan ang mga ito, pati na oras at location.

Kaya kung gugustuhin talaga ni Heart ay puwedeng-puwede raw talaga niya itong sampahan ng kaso.

Pero ayon na rin kay Heart, nagdesisyon na rin siyang palampasin na lang.

“Be a better person because at the end of the day, you will have a better life,” aniya.

“May bawi `yan,” say ni Chiz

“May bawi talaga,” pag-amin naman ni Heart

Tags:

You May Also Like

Most Read