KUWENTO ng isang very loyal na dalagang babae na inaruga ang isang lalaking teenager na anak ng mayamang Chinese family ang tema ng Tagalized na Chinese-drama na “DAHIL SA’YO.”
Ito ang newest Chinese serye na mapapanood simula Agosto 14, alas-8 ng gabi sa AllTV.
Susubukin ng pera at pagtataksil ang mga usapin sa pagtitiwala at pagmamahal sa kuwento, kasama na ang “dying wish” ng isang ina na mapabuti ang future ng anak sa kalinga ng nag-aaruga dito.
“Very Pinoy. Marami ang makaka-relate dahil may mga nakikita na din tayong kagayang istorya sa buhay natin,” ayon sa taga-Regent Foods Inc, na silang nagdala sa bansa ng Chinese serye.
Mahuhusay na dubbers, voice talents at script writers na kinumisyon ng kumpanya para mas lalong tumingkad ang kuwento ng pagmamahal ng mga karakter sa Chinese serye.
At sa pakikipag-tulungan ng AMBS TV network na AllTV, layunin nitong makapagbigay ng bagong putahe at panoorin tuwing gabi simula ngayong Lunes.
Pormal na ngang nagpirmahan ng kontrata ang mga may-ari ng Regent Foods at pamunuan ng AMBS Network tungkol sa pagpapalabas nito sa AllTV.
Kaya kung nae-enjoy ninyo ang masasarap na snack foods ng Regent, mas siguradong mabubusog ang inyong mga gabi ng “DAHIL SA’YO” na hatid nila sa Pinoy viewers.
Mapapanood ito sa AllTV Channel 2 sa free TV, Channel 35 sa Skycable at Cignal, at kung ang gamit naman ninyo ay ABS-CBN TV plus, Affordabox, at Sulitbox, nasa Channel 31 ito.














