Latest News

CHARO SANTOS WISH GRANTED NA MAGING PARTE NG ‘ANG PROBINSYANO’ NI COCO

NI BETH GELENA

PINATAY na ang character ni Richard Gutierrez bilang si Lito Valmoria sa “FPJs Ang Probinsyano.”


At pumasok naman ang character ni Ms. Charo Santos bilang si Ramona.

Siya ang tutulong sa Task Force Agila, lalo na kay Cardo Dalisay (Coco Martin) sa bingit ng kamatayan.

Natupad ang kagustuhan ni Ms. Charo na maging parte ng aksyonserye ni Coco.


Sa huling episode last week, pinatay na ang character ni Richard at sa teaser ng Dreamscape.Entertainment sinabing: “Isang babae ang magsisilbing liwanag sa kanilang madilim na daan! Abangan si Ms. Charo Santos-Concio sa “FPJ’s Ang Probinsyano!”

Matatandaang sinabi ni Ms. Charo sa isang interview noong 2019: “Cardo, nag-aantay pa rin ako… Oo, basta ang cut-off ay hindi two in the morning, hindi ba? Alam mo na, senior citizen na. Mag-a-action? Aba, kung kaya naman eh, why not?”


At dumating na nga pagkakataong hinihintay ng dating ABSCBN president na mapasama sa long-time running serye ni Cardo Dalisay.


Tags: Ms. Charo Santos

You May Also Like