NI BETH GELENA
LUBOS na nagpasalamat si Charo Santos kay Mel Tiangco sa pahayag nito ukol sa sa pagtatapos ng “Maalaala Mo Kaya.”
Inihayag ni Charo ang kanyang saloobin kaugnay sa magagandang komentong natatanggap matapos niyang isapubliko ang pagtatapos ng MMK.
Isa sa mga nagbigay ng magandang komento ay ang host ng katapat niyang programa — ang “Magpakailanman.”
Ayon kay Mel, walang makakapalit sa MMK kaya pinasalamatan niya ang award-winning anchor.
Pinasalamatan din niya ang mga manonood at sumusubaybay ng kanyang programa na tumagal ng mahigit tatlong dekada.
Sa video na binahagi ng Kapamilya Online World, sinabi niyang: “So sweet of her. So sweet talaga of Miss Mel Tiangco. Thank you very much, Mel, for your kind words.”
“What can I say? I only say thank you. Thank you so much for all the years that they supported Maalaala Mo Kaya. At saka nakakataba ng puso na ngayon ay we’re on our last two episodes ay talagang lungkot at panghihinayang ang naririnig mo sa mga avid fans ng programa,” muling pamamaalam ni MMK host.
Si Ms. Charo ang host ng pinakamatagal na television drama anthology sa Asya.
Sa isang social media post, inihayag ni Mel na sana ay hindi umano totoo ang report dahil aniya ay walang makakapalit sa MMK.
Aniya pa, namumukod-tangi ang MMK pagdating sa pagbabahagi ng kwento.
Ang mga artistang naging bahagi ng naturang programa ay nagpahayag din ng kanilang pasasalamat dahil naging parte sila ng longtime drama anthology.