Latest News

CHARLIE DIZON PINURI SI KIKO ESTRADA

Ni BETH GELENA

HINDI naman pala ban si Kiko Estrada sa Kapamilya Network.

Nagkaroon kasi nang isyu si Kiko na nilayasan niya umano ang taping ng “Darna” dahil naliliitan siya sa kanyang role.

Gayunman, binigyan pa rin ng proyekto ang aktor.

Siya ang makakapareha ni Charlie Dizon sa long-time drama anthology na “Maalaala Mo Kaya.”

Pagmamalaki ng “Viral Scandal” lead actress kay Kiko: “Madali siyang makatrabaho.”

“Noong nalaman ko na makaka-partner ko si Kiko, hindi kasi kami magkakilala in person talaga. Nahiya rin po ako siyempre bagong partner ulit, tapos totoong tao gagampanan namin na mag-jowa,” kuwento ni Charlie.

Unang meet daw niya kay Kiko ay noong pictorial promo nila.

“Medyo nakaka-awkward po sa umpisa pero nag-jive naman po kaagad. Nagkabiruan kami kaagad so na-feel ko na madali siya katrabaho,” say ng aktres.

Bilib daw siya kay Kiko dahil napaka-peofessional nito.

“Nakita ko na passionate siya sa ginagawa niya, memorize niya kaagad ‘yung script, napag-usapan namin ‘yung gagawin namin, kung paano ‘yung dynamics namin sa isa’t-isa bilang mag-jowa,” ani Charlie.

Naku, hindi kaya ma-inlove si Kili kay Charlie after ng kanilang MMK?

‘Yan ang aabangan natin.

Tags: ,

You May Also Like

Most Read