MAY concert ang celebrity couple na sina Catriona Gray at Sam Milby titled “The Heartthrob and The Queen.”
Makakasama nina Sam at ng Miss Universe 2018 ang ibang Cornerstone artists like Inigo Pascual at Zephanie.
Magaganap ang concert sa July 22 sa Hilton Hawaiian Village Coral Ballroom, Hawaii.
Aside sa upcoming concert, pinagpaplanuhan na rin nila ang kanilang kasal.
Engaged na ang beauty queen at ang heartthrob early this year.
Kakaiba nga ang style ng pagpo-propose ng Fil-Am actor sa beauty queen.
May hawak na coffee cups ang celeb couple sa cup na hawak ni Sam ay may mababasang “Mr. Milby” while ang cup ni Cat ay may nakalagay na “Future Mrs. Milby.”
Hindi naman nakaligtas sa mapanuring mata ng netizens ang glittering diamond ring na bigay ni Sam.
“I (FINALLY) put a ring on it!,” proud na pagbabahagi ni Sam. “I love you my forever koala… now my fiancée.”
Ayon kay Cat, they were eyeing 2024 for their wedding.
But for now, focus daw muna sila na haranahin ang mga Pinoy sa Hawaii.
“Aloha, Hawaii!!,” post ni Catriona hinggil sa concert nila sa Oahu. “We can’t wait to see you all! Kitakits!!”