Latest News

Carmina, ang babaing walang pahinga

Ni Wally Peralta

INSPIRED talaga itong si Carmina Villaroel kapag maraming projects ang dumarating sa kanya.

Hindi uso sa kanya ang pahinga sa work, basta may nakitang opportunity, grab to the max ang byuti ng magaling na Kapuso actress.


Isa si Carmina na kasama sa bagong offering ng Viva ang kanilang Podcast Network, kung saan ang isa sa show ng nasabing podcast ay ang “Wala Pa Kaming Title.”

Ang show ay pagsasamahan nina Carmina, Janice at Gelli de Belan at Candy Pangilinan.

Say ni Carmina, parang maritess lang daw silang apat na nakikinig sa usap-usapan sa paligid.

“This is the ultimate chikahan ng mga amigas. It tackles anything and everything under the sun that concerns parents raising teenagers and young adults, with a vibe that is so approachable and friendly. Hindi kami nagpapaka-deep or educational.”


Sa kabila ng kanyang pagiging super-busy sa mga taping ng show niya sa Kapuso Network, tulad na lang “Sarap, Di Ba?” at ang toprating serye niyang “Widow’s Web” ay talagang nakuha pa niya na magkaroon ng isang podcast show.

Say ng magaling na aktres, nagiging inspirasyon daw niya para sumabak sa panibagong project ay ang kanyang mga tunay na kaibigan na kasama nga sa “Wala Pa Kaming Title.”

“Mahirap talaga maghanap ng totoong kaibigan, hindi lang sa showbiz, and I just feel very lucky and thankful that I found real friends in the industry,” dagdag ni Carmina.


Tags:

You May Also Like

Most Read