Latest News

CARLO NAGPIGIL KAY JULIA

NI BETH GELENA

MAY pinost na photo si Julia Barretto sa kanyang Instagram account na isang daring photo mula sa pelikula niyang “Expensive Candy” kung saan ang role niya ay isang prosti.

Nag-iwan din ng magandang komento si Awra Briguela na umani ng negative comments sa netizen.


Ayon sa isang netizen, “feeling close” si Awra sa girlfriend ni Gerald Anderson.

Sagot ni Awra: “E kung wala ka nang pake dun.”

Pinagtanggol naman ni Julia si Awra sa basher.

“Pls stop fighting @awrabriguela .. she’s my baby girl,” say Julia.


Nagkasama sina Julia at Awra sa isang pelikula under Vivamax at doon naging close ang dalawang Kapamilya stars.

Samantala, ang partner ni Julia na si Carlo Aquino sa Expensive Candy ay aminadong hirap tingnan na may malisya ang aktres.

Sinabihan ng direktor ang actor na tingnan nang may pagnanasa si Julia sa isa nilang eksena.

Nahirapan din daw siya sa romantic scenes nila ni Julia.


Esplika ng aktor, nasaksihan daw niya ang paglaki ng anak nina Marjorie Barretto at Dennis Padilla kaya hirap daw siyang tingnan ito nag may malisya.

“Noong una ko siyang makilala, si Juju ang tawag sa kanya kasi nga bata pa lang siya. Who knew na darating ang panahon na magiging magkapareha pala kami. So in the movie, I have to look at her in a different light,” sabi ni Carlo.

Ayon naman sa direktor ng EC, si Carlo ang personal choice niya to play the role of a neophyte teacher na magmamahal sa isang prostitute.

Tags: Julia Barretto

You May Also Like

Most Read