NI BETH GELENA
MAY post si Carlo Aquino kasama ang anak nila ng ex-partner na si Trina Candaza.
Sa larawan ay masayang nagba-bonding ang mag-ama kung saan hinalikan niya sa pisngi ang anak na si Mithi.
“Pagmamahal na habang buhay,” simpleng caption ng aktor sa kanyang post.
‘Yun pala ang first time na nagkita ang mag-ama mula nang maghiwalay sila ng ex last January.
Sa isang panayam sa aktor, natanong siya kung naka-move on na siya.
Isa kasi ang aktor sa cast ng ABS-CBN series na “How to Move On in 30 Days” na akmang-akma sa kanyang personal life.
Sagot ng aktor: “Parang walang timeline. Yung moving on, parang proseso ‘yan. In time, mawawala siguro. Mawawala na lang siya eventually. Minsan nga, hindi mo alam, naka-move on ka na pala.”
Natanong din siya kung okey na ba siya ngayon?
Say ni Carlo: “Yes po, always.”
May possibility na na magkabalikan sila ng ex-partner?
Paliwanag ng Kapamilya actor na hindi naman daw niya isinasara ang kanyang isip at puso sa posibleng pagbabalikan nila ng nanay ng anak niyang si Baby Mithi.