NI GERRY OCAMPO
MARAMI ang naaliw sa nakakahiyang experience ni Camille Prats noon sa “Mars Pa More.”
Naitanong kasi kay Camille kung ano kanyang most embarrassing moment sa showbiz.
Ikinuwento niya ang nakakahiyang encounter niya sa beauty queen.
Napagkamalan daw kasi niyang bakla ang beauty queen noong nagkasabay silang guest sa show na “Super Sireyna.”
Mabuti na lang at sa briefing palang naganap ang lahat at wala pa sila on cam.
PInansin kasi ni Camille ang maliit na boses ng beauty queen na ikinagulat ng beauty queen.
Hiyang-hiya siya dahil huli na nang mapagtanto niya na ang kanyang pagkakamali.
Lalo nung makita niya ang mga tao sa paligid niya na biglang nag-alisan kasama ang kanyang make-up artist.
Mabuti na lang may naglakas ng loob na sabihan siya na babae ang kaharap at kausap niya na napagkamalan niyang bakla na super ang ganda.
“Um-exit na lang ako, pero hiyang-hiya ako. At buong episode, hindi ko siya matingnan sa mata…sa sobrang hiya ko na napagkamalan ko siyang beki.” throwback ni Camille na hanggang ngayon ay nahihiya pa rin siya.