NI BETH GELENA
Napanood namin ang interbyu ni Karen Davila sa dating child actor na si Bugoy Carino.
In reality, siya ay matatawag na ”batang ama” dahil sa edad 16-anyos ay nabuntis niya ang hinahangaan lang daw niyang volleyball star na si EJ Laure, na 21-years old that time.
Varsity player pa lang si EJ ng University of Santo Tomas ay makikitang laging nasa UAAP audience ang young actor.
Hanggang pansamantalang tumigil sa paglalaro ang girl dahil na-chismis ngang preggy ito.
Tanong ni Karen kung ano ang naramdaman ni Bugoy nung malaman na buntis ang girlfriend?
“Natakot po ako, as in,” mabilis na sagot ni Bugoy.
Dahil 16 going to 17 pa lang siya, hindi raw talaga niya alam ang gagawin.
Nung time pa naman daw na yun, nasa peak na siya ng kanyang career ganun din daw si EJ na isa ng national player dahil kinuha ng team Foton.
Ang una raw niyang naisip ay ipalaglag ang bata, okey naman daw sa kanyang partner. Pero kalaunan ay nagdalawang-isip siya.
Iyak siya ng iyak lalo at hindi pa niya nasasabi sa pamilya niya ang kanyang problema.
In the end, sinabi niya sa family at kinausap ang ama.
Sinabihan daw siya ng ama na “walang ba..g kung itutuloy nila na ipalaglag ang bata.”
May nagpayo pa raw sa young actor na idemanda niya si EJ dahil menor de edad pa lang siya.
“Bakit ko siya idedemanda, eh, ina siya ng anak ko. Hindi ko sila sinunod saka mahal ko siya,” ayon kay Bugoy.
Tanong uli ni Karen kung sino ang nagbayad sa hospital ng manganak si EJ.
“Dapat po ang magbabayad ay ang Foton, ang team ni EJ. Hindi po ako pumayag kaya gumawa po ako ng paraan. Mabuti na lang po may insurance savings kami sa ABS-CBN ‘yun po ang ginamit, pero malaki pa rin po ang kailangan kasi ceasarean siya, but salamat sa Diyos.at nairaos ko rin,” paliwanag ni Bugoy.
Kuwento pa ng young actor, mabuti na lang daw bago nagbuntis si EJ ay nakapagpatayo na siya ng water station business at doon daw nila kinukuha ang pinanggagastos.
Pero hindi raw sapat kaya pati ang pago-online selling ay pinasok na rin niya.
Sa ngayon, three years old na ang anak nina Bugoy at EJ na si Scarlet.
Ayon naman sa partner niyang si EJ, good provider si Bugoy, mapagmahal na ama at responsable.
May netizens naman na hindi sinang-ayunan ang pag-interbyu ni Karen sa batang ama.
“Ayaw ko panoorin kasi ayaw ko sila bigyan ng views, pero is Karen romanticizing this relationship? Disappointing”
“Parang ganon na nga, a journalist like her should know better. Maraming makakapanood na bata at iisipin na okay ang ganitong klaseng relationship.”
“Gusto ko lawakan ang understanding ko at I don’t wanna sound judgmental. Maybe minahal talaga nila ang isa’t isa kasi madami na sila pinagdaanan together at matatag parin ang relationship nila.”














