Ni Gerry Ocampo
SA media conference para sa relaunch ng “Bubble Gang” ay natanong si Michael V kung ano ang sekreto ng longest running gag show sa telebisyon na hanggang ngayon ay inaabangan every Friday, 9:40 p.m. sa GMA 7, samantalang ang dami ngayong platform na katulad din ang konsepto?
“Kung anong nangyayari sa paligid, yun talaga yung nire-reflect nung show.
“Pero that doesn`t mean na maiiwan na ganun lang. We have our creative license para gumawa ng additional content na sasaluhin naman ng society and social media. Kumbaga para siyang circle of life,” say ni Michael V .
Hindi na rin daw sila limited sa mga nangyayari sa paligid lang, nag-adapt na rin sila sa mga nangyayari sa social media.
Inamin naman ng cast ng “Bubble Gang” sa gagawin relaunch ng gag show ay kabado sila kung sino sa kanila ang mananatili at kung sino pansamantalang mawawala para palitan ng mga bagong talent ng GMA 7.
Sina Tuesday Vargas, KIm de Leon at Daruri Choi ang mapalad na mapapasama sa relaunch ng gag show na masayang-masaya dahil l matagal na raw nilang pangarap mapasama sa longest running gag show sa telebisyon.
Inamin ni Michael V na si Leni Robredo ang kanyang binoto sa katatapos na election. Kung ang ibang pinklawan ay hindi matanggap ang pagkatalo ng kanilang manok, si Bitoy ay buong puso tinanggap na si Bongbong Marcos ang nanalo sa May 9 elections.














