Ni Beth Gelena
MAY post ang mommy ni Carla Abellana sa socmed nito.
Two letters lang ang sinabi ng ina ng Kaouso aktres — “BS,”
Espekulasyon ng netizens, sagot daw yun ng ina sa mga sinabi ng mister niyang si Rey ‘PJ’ Abellana hinggil sa mag-asawang Carla at Tom Rodriguez.
Sa komento ng netizens, hindi sila pabor sa pagsisiwalat ng beteranong aktor hinggil sa marital status ng anak na si Carla.
“Naku sige galitin nyo pa si mother pag yan nag ispluk tapos na ang laban!”
“An absentee father should not speak for his child. Kahit tanungin pa xa, he should have declined to answer. He hasn’t been around his child to get that right to comment.”
“I agree in part kasi kahit hindi sya absentee father, he still has no right to speak about his child’s marital problems and so publicly at that!”
“Kahit naman magulang na ever present, dapat hindi nagkukuwento. It’s not their story to tell. In a way, courtesy na lang sa anak nila na adult na.”
“Support ang kailangan nina Carla, hindi chika.”
“True! Dead beat dad tapos kung makasalita tungkol sa anak nya akala mo kung sinong magaling. Gigil ako dyan kay rey pj abellana”
“Hay naku I agree with the Mother of Carla, BS talaga!
“Mother, bakit naman nakikisawsaw pa? Tahimik nalang sana. Ang totoxic na nila.”
“she just putting her child’s father in place. Charotero kasi si pader eh”
“Bakit sa mother ni Carla ka nagagalit eh itong si Rey PJ ang dumaldal? Luh. Also who are you to tell her na tumahimik nalang? Doon mo yan sabihin sa deadbeat ni Carla na sobrang daldal.”
Galit naman ang netizen sa mga kuda ni Carla.
“Yan kase, isinisiwalat online mga problema. Manong magsitahimik n lng or ayusin privately. Dami pang ekek ni carla, pag pinagpyestahan, pavictim.”
“Nasermonan ng anak siguro kaya bawi bigla ang tatay sa interview niya kaya lang sabi nga nila damaged has been done.. naispluk niya na sa madla.”
“Carla and Tom don’t want to clarify the issue/s but Carla FLOODED us of cryptic messages and LIKING posts saying infidelity on Tom part including gay issues. Carla herself FAN THE FLAME ?? regarding their separation issues.”