NI BETH GELENA
MARAMI talagang kinikilig na fans sa loveteam nina Alexa Ilacad at KD Estrada magmula nung lumabas ang dalawa sa “Pinoy Big Brother” house.
Tulad na lang sa bagong blue dress OOTD ng actress-singer na ipost nito sa kanyang ID stories na agad ikina-react ni KD.
“We’re so kilig,” komento ng faneys sa cute comment ni KD.
Kaya naman marami ang naniniwalang officially dating na ang dalawa.
May chemistry sila on screen at hindi nila maiwasang mag-flirt kahit sa social media.
Tulad nga sa sweet comments ni KD sa latest OOTD ng singer sa kanyang Instagram.
Ang pretty ensemble ni Alexa na ini-style ni Patty Yap consisted of a glittery cut-out dress by Maison Soriano and fine, dainty jewelry.
Napaka-gorgeous ni Alexa sa kanyang outfit kaya hindi maiwasang magpaka-boyfie mode ang singer sa kanyang IG.
Sa una niyang komento, ipinaalam ni KD na siya ang photographer ng dalaga na may kasamang hint hinggil sa kanilang relasyon sa nilagay niyang caption.
“I took this photo! Proud ano here. BRB, crying tears of joy,” comment ni KD.
May dalawa pang komento si KD na sobra daw siyang na-attract sa beauty ng kanyang ka-loveteam.
Aniya: “Alexa’s soft waves, plump lips, and smokey eyes are simply beautiful.”
Sinang-ayunan naman siya ng faneys.
“Yup, definitely well deserved.”
Hindi rin ito ang unang beses na nagpost ng comment si KD sa posts ni Alexa via Instagram.