ISA-ISANG nilinaw ni Boy Abunda ang tungkol sa mga isyung lumabas hinggil sa naging interview niya sa Fil-Am Hollywood actress na si Vanessa Hudgens.
Last March 31 ay nagkaoon ng media conference sa bansa si Vanessa na kung saan si Kuya Boy ang tumayong host. Pagkatapos ng press conference ay marami nang lumabas na tsika, kasama na ang diumano`y pagwawala ni direk Paul Soriano at ayaw diumanong ipa-interview sa entertainment press ang Hollywood actress.
Bukod sa issue kay Direk Paul ay may lumabas ding intriga kay Kuya Boy na isa-isang in-address ng TV host sa kanyang “Fast Talk with Boy Abunda.”
Ayon kay Kuya Boy, may mga usapan na na-offend diumano si Vanessa dahil sa biglaang “fast talk” segment during the interview kaya na-upset si Direk Paul.
Aminado naman si Kuya Boy na hindi talaga parte ng presscon ang “fast talk” pero nagsimula raw mag-request ang mga tao sa event na kanyang gawin ito at nagsisigawan pa ng “fast talk, fast talk!”
“Vanessa Hudgens po, nagtanong, `Boy, what is Fast Talk?” Very quickly, ipinaliwanag ko, rapid-fire questioning and then you tell me the first thing that comes to mind.` Itinuloy ko na po.” paliwanag ni Kuya Boy.
Wala naman daw indikasyon na na-offend si Vanessa.
“There was no indication that Vanessa Hudgens was offended. She was having fun. The vibe was happy,” aniya.
At nakita rin daw niya na talaga si Vanessa na hindi naman ito na-offend.
“She was not offended. I would know. I`ve been interviewing people for over 30 years,” say ni Kuya Boy.
Sa isyung na-upset daw si Direk Paul dahil dito kaya naman biglang natigil ang one-on-one interview ng press kay Vanessa, ayon kay Kuya Boy ay hindi raw niya ito alam.
Sa isyung he went off-script, ayon sa batikang TV host ay binigyan daw siya ng script at ng program flow sa mediacon na kanyang sinunod daw lahat.
Pero sa interview siyempre, hindi raw lahat provided sa script at mayroon ding mga bagay about Vanessa na na-feed sa kanya na kanyang tinanong.
But most of all it ay galing din sa kanilang research and before the interview ay napag-usapan pa raw nila ito ni Direk Paul.
“Did I go off-script? Hindi ho. I work hard on my interviews,” paliwanag niya.
In fact, nakatanggap pa nga raw siya ng mensahe from Vanessa`s team na nagsasabing masaya naman sila sa naging turn-out ng event.
“They were very happy with Vanessa`s visit to the Philippines and how it was handled. They were very happy about it. And in particular, they had no complains and they were very happy with out interview during the media conference,” say pa ni Kuya Boy.
Pagkatapos ng event ay nagkausap pa raw sila ni Direk Paul at wala naman daw itong binanggit na naging problema.
“Kaya hindi po ako naniniwala that he had an issue with me because he could have called me out. If he was bothered, if he was pissed with Fast Talk. I would have felt it.” paglilinaw ng TV host.
Nagpaalam din daw siya kay Vanessa bago umalis.
“I went to Vanessa. `Vanessa, thank you for the opportunity,` You know what she said? `Boy. I love your energy,” ayon kay Kuya Boy.