Latest News

BONG REVILLA NAGPASALAMAT SA AVID VIEWERS NG SITCOM WITH BEAUTY GONZALES

By: Beth Gelena

NAKAKA-TWO weeks na ang bagong sitcom nina Bong Revilla at Beauty Gonzales sa GMA7 na “Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis.”

Every Sunday ito napapanood sa Kapuso network.

Aba!


Sa first Sunday pa lang ay umariba na agad sa rating ang sitcom.

At itong second Sunday, wagi na naman sa TV ratings ang action-comedy na ‘Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis’ nitong June 11.

Ayon sa NUTAM People Ratings data, nakapagtala ang second episode nito ng 13.4 percent na higit na mataas sa rating ng pilot episode na 12.3 percent.

Komento ng isang netizen: “Every Sunday lagi ko pong pinapanood si Senator Bong Revilla sa Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis. Idol na idol ko po kayo Senator Bong Revilla mula noon hanggang ngayon. God bless po.”


Hirit naman ng isa pang supporter ng sitcom: “Inaabangan ko lagi ‘yan, Idol! Congratulations, Tolome!”

Pinasalamatan naman ni Bong ang kanyang avid viewers. Maraming salamat, Mga Kapuso!

 


Tags: Beauty Gonzales, Bong Revilla

You May Also Like

Most Read