Latest News

BODY SHAMER BALAK KASUHAN NI ANGEL

Ni BETH GELENA

HINDI nakatiis si Angel Locsin sa panlalait ng isang basher sa kanyang katawan at mataray na niyang sinagot ang bastos na basher.

May mga nag-post ng photos ni Angel kung saan nasa campaign rally ni VP Leni Robredo sa Pasig City noong March 20.


Sa Instagram account ng aktres, pinost ng aktres ang hawak niyang placard na may nakasulat na “Ma’am Leni, sayo na ang bato.”

Ang bato na tinutukoy ni Angel ay patungkol sa kanyang pagiging Darna sa series niya noong nasa GMA7 pa siya.

Nagkomento ang fellow Leni supporter ni Angel, ang Pinoy Big Brother host na si Bianca Gonzalez: “Our real life Darna (raising hands emojis)“

Isang basher ang nag-react sa komento ni Bianca: “@iamsuperbianca DARNA OMG!! Look can you not see? She covered her body with that banner that is so stupid”


Hindi nakapagtimpi si Angel at sinagot ang basher ng: “so, ano hong gusto mong sabihin bukod pa sa malaki ang problema mo sa katawan ko pero mas problema naman ang face at ugali mo?”

Ipinagtanggol naman si Angel ng supporters at ibinalik sa basher ang ginawang panlalait sa aktres..

Napansin ni Angel na humahaba na ang sagutan ng kanyang followers at ng basher, kaya sumagot ulit si Angel:

“Sir, are you high? I’m sorry for insulting your face pati ugali mo. What I did is not proper — kahit sa isang super perfect looking na red tagger.”


“And no, hindi po ako nananakot. Pasensya na po kung natakot kayo sa pagsabi ko ng totoo.”

May nabanggit kasi si Angel na sasampahan niya ng kaso ang body shamer.

Posibleng yun daw pagsasampa ng reklamo ang tinutukoy ni Angel.

Sinabihan din ni Angel ang kanyang.followers na huwag nang patulan ang kanyang basher.

“Hayaan n’yo siyang magsalita at may resibo ng unethical behavior.”

Nabasa yata ng basher ang huling sinabi ng aktres kaya tumigil na ito sa kakakuda against Angel.

Comment tuloy ng isa: “natakot siguro na sasampahan ng kaso. Si Angel pa, minsan lang yan magalit, pero ginagawa kapag sinabi.”

Tags:

You May Also Like

Most Read