BLVCK CREATIVES ENTERTAINMENT OWNER GRACE CRISTOBAL ASSIGNS DIREK BOBET VIDANES AS FULL TIME MANAGER

NI BETH GELENA

BAGONG tatag ang kumpanyang Blvck Creative Studio kung saan ang CEO ay si


Ms. Grace Cristobal at Engr Louie Cristobal.

Managing partner nila si Direk Bobet Vidanes na magpu-fulltime head sa Blvck Entertainment.

Ayon kay Ms. Grace, tinatatag nila ang Blvck Creatives para na rin makatulong sa mga jobless lalung-lalo na doon sa mga nawalan ng trabaho dahil sa pandemya.


Ayon naman kay Direk Bobet, ang Blvck Entertainment ay isang talent agency kaya naman maghahanap sila ng fresh talents na gustong pumasok sa showbiz.

Open na raw sila para sa mga gustong mag-audition.


Kahit daw may name na at gustong magpa-handle sa kanilang management ay tatanggapin nila as long as walang kontrata sa ibang talent agency.

Kahit daw co-managing ay open sila.


Katunayan, naikuwento ni Direk Bobet na may lumapit na sa kanya na gustong magpa-handle hindi niya ito pinangalan kundi nagbigay lang siya ng hit na “taga-probinsya siya.”

Maraming artists ang sumusuporta sa bagong journey ni Direk Bobet at isa na dito ang buong cast ng noontime show ng TV5 na “Lunch Out Loud.”

Ayon naman kay Ms. Grace, hindi lang entertainment management ang meron sila, gagawa rin daw sila ng teleserye soon.



Say pa ni Ms. Grace, kapag may mga talent na silang napili sa audition, ang unang ituturo nila sa artists ay ang pagrespeto sa kapwa.

‘Yan daw kasi ang nakikita niya ngayon sa ibang mga artista, ang kawalan na ng respeto.

Sinabi naman ni Engr. Louie na magpo-produce rin sila ng pelikula.

Katunayan daw before end of this year, may dalawa.silang pelikula na ipo-produce.

Magandang balita ito sa mga artistang walang trabaho ngayon.

Aba, maging ang pag-produce ng concert ay kanila rin daw papasukin.

Katunayan, isa na nga si Jay Durias na nasa kanila ng bakuran.

Sa mga gumagamit naman ng Creative Studio kapag sila ay may ipo-photoshoot mayroon na rin daw silang coffee shop — ang Cafe Gracia.

Bongga, ‘di ba?

Kinuha na rin ni pala ni Direk Bobet ang pagkakataon na magpasalamat sa kanyang constituents sa Rizal dahil nanalo.siyang konsehal doon.

Siya raw nangungunang konsehal sa kanilang lugar.

Tags: Ms. Grace Cristobal at Engr Louie Cristobal

You May Also Like