NI GERRY OCAMPO
KUNG sa Tarlac nagpatutsada si Kris Aquino tungkol sa ex niyang si Herbert Bautista, sa Tarlac campaign rally din sinagot ni Bistek, na tumatakbong senador sa May 9 elections, ang pasaring ng maysakit na host-actress.
Matatandaang nagsalita si Kris sa campaign rally naman ni Leni Robredo sa Tarlac na huwag iboto ang kanyang “ex” na hindi marunong tumupad sa mga pangako.
Habang nagsasalita si Bistek sa stage, base sa kumalat na video ay panay ang kantiyaw sa kanya ng crowd at isinisigaw ang pangalan ni Kris.
Sabi ni Bistek: “Actually, natagpuan ko na ang babaeng pakakasalan ko dito sa Tarlac. Kaya lang, tinalakan niya ako ng “ex.” Pero, hindi ko alam kung ako yun, baka ibang tao naman ho yun, di ho ba? “
Dahilan para magsigawan ang mga tao.
“Basta ito lang po ang sasabihin ko, ang sinabi nga po ni BBM at saka ni Inday Sara na kapag ikaw ay binato ng bato, batuhin mo ng burger,” say pa ni Bistek.
Sa huli, ang mensahe si Bistek kay Kris: “Pero seriously , ito na lang ang aking message sa kanya. Malaki ang respeto ko sa pamilya mo at saka sa iyo. At ang aking pagmamahal sa iyo bilang kaibigan ay hindi mawawala.”
“So, pagaling ka and kain ka ng marami,” dagdag pa ni Bistek.
Knowing Kris, kapag nakarating sa kanya ang message ni Bistek ay hindi malayong sagutin niya ito.
Kaya naman ngayon pa lang, marami na ang nag-aabang sa magiging reaksyon ng Queen of All Media.