Latest News

Billy Crawford pasok sa grand finals ng ‘Dancing with the Stars’ ng France

PASOK na ang TV host na si Billy Crawford at ang dance partner niyang si Fauve Hautot para sa grand finals ng “Danse Avec Les Stars,” ang French version ng dance competition na “Dancing with the Stars.”

Ito ay matapos makakuha ang dalawa ng top scores mula sa judges sa kanilang performance sa semi-finals round.


Ang pagtatanghal sa semi-finals ay ipinalabas sa France noong Nobyembre 4 ( Nobyembre 5 sa Pilipinas ), kung saan nagpakita ng galing sa pagsasayaw sina Billy at Fauve sa Maneskin sa kantang “Let’s Get It Started” at :Chasing Cars” ni Snow Patrol.

Sa kanilang “Let’s Get It Started” na sayaw ay nakakuha sila Billy ng 39 puntos — ang “pinakamahusay na iskor sa season” — dahil tatlo sa apat na hurado ang nagbigay sa magkaparehong 10 points, habang ang isa ay nagbigay ng 9 points.

Samantala, sa kanilang “Chasing Cars” number sa second round, nakakuha sila ng kabuuang 35 puntos.


Pinuri rin ng mga hurado si Billy, na nagpamalas ng galing sa pagsasayaw kahit pa masakit ang likod.

“Sobrang sakit, pero gusto ko. Buhay ko ito. Gusto kong sumayaw,” pahayag ni Billy.


Tags: Billy Crawford

You May Also Like