BILLY CRAWFORD: NEVER AKO NAG-DRUGS

By: Beth Gelena

PRANGKANG sinagot ni Billy Crawford ang rumor noon na lulong siya sa droga.

Mariing itinanggi nito na gumagamit siya ng bawal na gamot.


Pero ang inamin ni Billy, he used to be alcoholic but he has been sober for a while now.

Natanong kasi siya ni Kuya Boy sa “Fast Talk” tungkol dito.

“No, never… Kung addict ako, sa totoo lang, e, di sana, nasa kulungan ako. Honestly,” say ni Billy.


Pag-amin pa niya, he came close in the past to trying illegal drugs but he believes that God always made a way to prevent that from happening.

“I have an addictive personality and laging nandiyan ang Panginoon para sagipin ako. Because every time that there’s an opportunity to try drugs, in a snap of a finger, palaging meron na, ‘Halika nga dito, Billy, Punta nga tayo dito. Alis tayo dito.‘ May nare-raid, may nakukulong. So, nililihis ako ng Panginoon sa masasamang bisyo, and I’m thankful for that, Kaya nga aminado akong alcoholic ako. Pumapasok ako sa trabaho before na lasing ako. It was alarming before,” kuwento pa ng mister ni Coleen Garcia.


Naging emotional naman si Billy dahil na-miss daw.niya ang “Tropang LOL” family.


Tags: Billy Crawford

You May Also Like