Latest News

BILLY CRAWFORD: ISKO AKO SA MAYO 9!

NI BETH GELENA

THROUGH his Instagram account, in-endorso ng singer-host na si Billy Crawford si Manila Mayor Isko Moreno sa nalalapit na May 9 presidential elections.

Sampung kandidato sa pagkapangulo ng bansa ang naglalaban-laban, pero mukhang mukhang lima lang ang pangalang tumatatak sa isipan ng mga botante — Mayor Isko, Bongbong Marcos Jr., mga senador na sina Ping Lacson at Manny Pacquiao, at si Vice President Leni Robredo.

Kung inyong natatandaan, sina Billy at Yorme ay nagkasama noong That’s Entertainment days pa, ang programa ng yumaong German Moreno a.k.a. Kuya Germs.

Pareho rin nilang mentor si Kuya Germs.

Post ni Billy sa kanyang sa kanyang Instagram video na in-upload last March 29: “Alam niyo po, ilang buwan na lang eleksyon na. And I realized how crucial this election is because unti-unti na tayong bumabangon sa pandemic. At hindi magiging madali ang trabaho ng susunod na mga officials na iboboto natin. They’ll decide how we will rise above this challenge.”

Binanggit din ni Billy na qualified si Yorme dahil taglay nito ang ideal qualities para maging isang Chief Executive.

“Marami ang nangangarap, marami ang nangangako. Kaya I wanted to make my own stand on this coming election. Gusto ko ng pagbabago hindi lang sa salita, pati na rin sa gawa.

“Kailangan natin ng simpleng gobyerno para sa ikauunlad ng bawat Pilipino. Kailangan natin ay lider na kayang humarap sa anumang pagsubok; lider na kayang punan ang pangangailangan ng mga mahihirap; lider na sa tingin ko nagpapahalaga sa edukasyon; at lider na kayang ipaglaban ang ating bayan.

“Kaya ako, sa darating na Mayo masasabi ko, Isko ako,” mahabang paliwanag ng “Lunch.Out Loud” host.

Halos magkapatid ang turingan nina Yorme at Billy sa isa’t isa dahil matagal silang nagsama sa “That’s” at sa pangangalaga ng showbiz icon na si Kuya Germs, ang kanilang ama-amahan.

Tags:

You May Also Like

Most Read