Ni Beth Gelena
PUNANG-PUNA ng mga Marites na netizen sa selfie photo ni Cristine Reyes ang pag-gain ng timbang ng sexy actress.
Pero kahit medyo nadagdagan ang kanyang timbang beauty pa rin ang aktres.
Medyo umambok ang pisngi ni AA (her pen name) kaya naman kitang-kita ang dimples niya kapag naka-smile.
At sa mga Marites, hindi ang ganda ng aktres ang napuna kundi ang nagsusumigaw na bilbil daw nito.
“Ang Ganda padin nya. Hindi ko napansin yung tummy”
“Keri lang kung ganyan ka naman kasi kaganda.”
“So pag di kasing ganda nya hindi na acceptable magkabilbil? So much for body positivity”
“mas bagay sa kanya medyo malaman”
“Bagay sa kanya kasi cute sya kapag medyo malaman ang pisngi bagay sa dimples. She looks fresh.”
“Grabe isa sa pinaka maganda sa showbiz. Effortless. Lakas din ng appeal.”
“Alam mo naman, maraming manlalait na netizens. Unahan na dapat”
“Agree, she is beautiful even if she has excess weight or not. Importante healthy and happy and di laging dapat perfect looking in life.”
“Wla nman may problema sa ganyan. Anong pinaglalaban neto? Madami n ring nagpopost ng ganyang love your body ekek.”