NI BETH GELENA
AYON kay Ruru Madrid sa interview ni Toni Gonzaga sa kanyang “Toni Talks” YouTube Channel, itinuturing na daw niyang “The One” ang girlfriend na si Bianca Umali.
Member ng Iglesia ni Cristo ang Kapuso actor at dahil sa pagmamahal ni Bianca rito ay nagpa-convert na rin sa INC ang Kapuso actress.
Dami tuloy hanash ang netizens sa pagiging miyembro ni Bianca sa INC.
“Wala pa silang label niyan ah , paano pag meron na? Baka ministro na si girl agad”
“LOLOLOL. Parehong namang chaka. Si Gurl ganda nito DATI. Ngayon dry na dry na”
“Kaya nga. Galit na galit Si father kay RR. Pero totoo naman. Walang label tapos nagconvert na. Tapos Sabi ng anak nya, she’s the one na. Hay naku. Pasok RR. Sawsaw na”
Sabi ng isang netizen: “Di ko iiwan religion ko para sa lalakeng di ako mabigyan ng label.”
Galit naman ang isang fan: “Hindi ka ba nanonood ng news? may label sila no. inamin ni ruru na in a relationship sila ni bianca.”
Advise naman ng isang commenter: “Sana kayo na mga kapatid. Magtiwala at magtiwala sa Panginoon para di kayo iwan kung dumating ang pagsubok sa inyong buhay. Magtumibay sa pananampalataya. Love more and respect each other.”
“Patay na patay si girl sa kanya naku ha lugi si girl kung maghiwalay”
“Parang kargo de konsensya ni ruru kung magloloko sya since si girl na ang nag adjust for him ?? mukang selosa pa naman si bianca. Hahaha goodluck”
“Dami na ininvest ni girl for ruru..”