Latest News

BIANCA UMALI NAG-FANGIRLING KAY JOHN LLOYD

NI WALLY PERALTA

KAMAKAILAN lang ay naging guest star si Bianca Umali sa highest rating comedy show ng GMA 7 na “Happy TwoGetHer.”

Maayos natapos ang taping ni Bianca kasama si John Lloyd Cruz, pero lumabas ang pagiging fan girl nito matapos ang kanilang eksena.


Proud na proud nitong ipinost ang isang larawan kung saan may selfir siya with Lloydie at pareho pa silang naka V sign o peace sign.

Nilagyan niya ito ng caption na : “A photo I never thought I would have.”

Nakiisa naman ang mga supporters ni Bianca at John Lloyd sa pinost ng young actress, halos umabot sa 15K ang likes nito ilang oras pagka-post.

Samantala, bisi-bisihan ang byuti ng aktres sa panibagong mini-series na ginawa niya na “Mano Po Legacy: Her Big Boss,” a collaboration project ng GMA and Regal Entertainment na magsisimula nang i-ere ngayon buwan ng Marso.


Ang haba ng hair ni Bianca dahil 5 lang naman ang kanyang leading man — Ken Chan, Kelvin Miranda, ang nagbabalik sa Kapuso na si Teejay Marquez at ang mga baguhan na hunks na sina Blue Cailles at Tyrone Tan.

Tags:

You May Also Like

Most Read