BIANCA SINOPLA ANG BASHER

NI BETH GELENA

PINALAGAN ni Bianca Gonzalez ang pang-iinsulto sa kanya ng bashers na wala raw nanood ng kanyang vlog.

Say ni Bianca: “Pa-isa nga lang. Dahil hot topic din naman ngayon ang YouTube, engagement at views, I often get this comment meant to insult or bash me. ‘Ay walang views ang vlog niya’. Let me get one thing clear, iba-iba ng rason ang tao to create content on YouTube.”


Sagot ni Bianca sa nagsabing walang views ang kanyang vlog.

“Hi, may problema ka sa 2,300 na nanood nitong video? Paki-explain naman sa akin ng comment mo.


“i don’t measure my worth as a person with a number.of views, subscribers, likes or comments I get. My goal with #PaanoBaTo is to empower to people.to get through tough times.”

Komento tuloy ng isang netizen: “Diko alam na may YouTube channel pala sya now i will check it salamat naman sa basher.”


Pagtatanggol naman ng isa: “Anyway kahit may isa o dalawa lang na ma reach at maka tulong yung vlog sa tao it’s still a win naman.”

“Masyado obsessed ang iba sa likes at views e”

“Kung tutuusin kung gusto naman ni bianca na magka views kaya nya yan she interviews a lot of celebs at marami sya ka work na sikat naman na artista but di nya ginagamit so that’s not exactly her main goal.”

May punto naman ang.komento ng mga netizen.

Pati pangalan ni Toni Gonzaga nadamay sa reaksyon naman ng isang comment.

“Come on bianca, nasa ‘viewing’ industry ka at alam mo na ang kalakaran mapa tv or youtube ay views. Wag kami, alam mo sa sarili mo na flop ka talaga. Nega man si toni pero trending ang mga pinaggagagawa nya, unlike sayo na waley talagang hatak sa tao.”

Tags: Bianca Gonzalez

You May Also Like

Most Read