NI BETH GELENA
Hindi napigilan ni Solenn Heussaff ang maiyak nang makita ang longtime friend na si Carla Humphries sa Paris.
Tears of joy, ayon sa celebrity mom na preggy sa kanilang second baby ni Nico Bolzico.
Sa Instagram ni Carla, ibinahagi niya ang moments nila ni Solenn mula nung dumating ito sa Paris.
Makikita sa video na nagmamadaling binuksan ni Carla ang pinto at winelcome ang Kapuso aktres habang nilundag siya ni Solenn na masayang-masaya.
“Zou bisou bisou Paris 2022,” ang caption ni Carla.
May separate post din si Solenn na kuha sa balcony ng apartment sa Paris habang masayang pinakikita ni Solenn ang baby bump while she posed beside Carla.
“Been too busy living in the now we hardly take photos. Paris, je t’aime!” caption naman ni Solenn.
Nagkomento ang rumored boyfriend ni Carla na si Wil Dasovich sa kanilang posted photos na: “Cuties.”














