BFFs ANGELICA, BELA AT KIM NAG-REUNION

NI BETH GELENA

NAG-REUNION magkakaibigang “AngBeKi” — ang acronym nina Angelica Panganiban, Bela Padilla at Kim Chiu.

Dinalaw ni Kim at Bela ang kanilang inaanak na si Baby Bean, ang anak nina Angge at Gregg Homan.


Siyempre pa nung magkita-kita ang tatlo, muling nabuo ang “AngBeKi” team.

May ini- upload ni Kim ang kuha nilang video na kinaaliwan ng netizens.

Makikita sa video na nakayakap si Kim sa puno ng buko habang nakatingala naman sina Bela at Angelica.

Habang nakayakap kasi sa puno si Kim ay humihingi siya ng tulong sa dalawang kaibigan dahil hindi raw siya makababa.


Pinalalakas naman nina Angge at Bela ang loob.ni Kim.

Nang ipinakita ang kabuoan ng puno, na hindi naman pala ito mataas kaya agad ding nakababa ang chinita princess.

Maging ang mga kapwa nila artista, naaliw sa post ni Kim.

Base sa caption ng post ni Kim, si Direk Andoy Ranay ang kumukuha ng kanilang video.


Kaya naman pinasalamatan ni Kim ang direktor.

Matagal ding hindi nagkita ang magkakaibigan kaya ganoon na lang pagka-miss nila sa isa’t isa.

Tags: Bela Padilla at Kim Chiu, ngelica Panganiban

You May Also Like

Most Read